Martes, Setyembre 20, 2016

Ang Epekto ng Yumayabong na Teknolohiya sa Wika at Kulturang Filipino

         
          Wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit ng tao sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Ito rin ay isang bagay na kumakatawan sa isang tao. Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Sa paglipas ng panahon, habang patuloy na nagbabago ang ating wika kasabay sa pag-unlad ng teknolohiya, hindi natin napapansin na may mga epekto itong dulot sa atin. Alinsunod dito ang teknolohiya ang naging sentro ng ating bansa, kung kaya't malaki talaga ang dalang epekto ng teknolohiya sa atin mga Pilipino.
Kuha nina Sai.Der.Lor

          Hindi natin maipagkakaila na isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Ngunit masasabi din natin na nang dahil sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at makabagong paraan ng komunikasyon, hindi natin maiiwasan na may mga salitang nababaon sa limot at napapalitan ng bago, isa na rito ang salitang "Jejemon". Ito ay isang salita na likha ng mga ilang pangkat ng ating lipunan, halimbawa nito na mga salita ay pak ganern, echos, skemberdu, eklabush, at marami pang iba. Para sa amin, hindi tayo dapat mababahala sa mga bagong salita na naiimbento dahil maari natin itong magamit upang mas maipayabong ang ating wika kapag lumalaganap at natanggap na ng nakakarami ang mga salitang ito. Ang importante ay maiayos at mapanatili nating pormal ang ating wika dahil ito ang kumakatawan sa atin.
Inedit nina Sai.Der.Lor

         Magbago man ang ating wikang Filipino sa paglipas ng panahon; matatakpan man ang ilang salita dahil sa mga bagong salita na umuusbong, patuloy pa rin nating pagbuklurin ang ating mga sarili pra maging isang bansang malaya na may sariling wika.








Glosaryo:

1. Jejemon-  Mga salitang binuo ng ilang pangkat ng ating lipunan at kadalasang ginagamit ng mga kabataan sa henerasyon ngayon. 

2. Pak ganern, echos, skemberdu, eklabush- Mga salitang Jejemon na sinasalita ng mga kabataan sa henerasyon ngayon at mga salitang nabuo dahil sa impluwensiya ng iba't ibang bagay sa henerasyon ngayon. 



1 komento:

  1. The 7 Best Real Money Casinos in the United States - JTHub
    The 7 Best Real Money Casinos in the United States · 경기도 출장안마 1. Red 속초 출장안마 Dog Casino, New 제주도 출장샵 Jersey 충청북도 출장마사지 · 2. Caesars 광주 출장마사지

    TumugonBurahin